Tuesday, June 16, 2009

Paano Mo Malalaman Kung Tunay Na Kaibigan Ang Kaibigan mo?

Paano nga ba?? yan ang tanong na malamang pumasok sa isip mo ngayon.. Paano ba natin malalaman na isang tunay na kaibigan ang kaibigan mo??

BASIHAN:

Pagiging plastik nia sa ibang tao. Ang kaibigan mo ba ay plastik sa ibang tao?? ung tipong friendly siya dun sa iba pero pag na ka talikod na ung tao kung ano-ano na sinasabe nia sau about dun sa person na puro kasiraan lng sinasabe nia.. ganon ba ang kaibigan mo?? tsk.. tsk.. minsan ba naitanong mo na sa sarili mo kung nagawa nia na sayo yung ganon? nagduda ka na ba minsan na baka ganun din ang ginagawa nia sayo pag na ka talikod ka na?? 

example:

nag-iisang plastik..

plastikgurL: ui frend grabe c "traidorgurL" napaka landi talaga. lam mo bang finifLirt nia c "pogingsyinotaLahatngbabae" pero sinabihan nia c "traidorgurL" na wag epaL at as in napahiya siya taLaga. ahaha!

dyosa: hai naku! eh kc naman yang c "traidorgurL" pa-keme pa na walang gusto kai "pogingsyinotaLahatngababae" un pala deep inside to da max ang feelings..

plastikgurL: ou nga! truLaLu yan frend!

nagiisang plastik part II

plasticgurL: ui frend sabe ni "dyosa" pa-keme ka pa daw jan na di mo gusto si "pogingsyinotaLahatngbabae" pero deep inside daw pala to da max ang feelings mo!

traidorgurL: oh?? tlga?? d nmn totoo un ah.. wala naman aq gusto dun..

plasticgurL: ewan q b dun.. sama ng ugali!

nangyari na ba sayo yang ganyan?? maaaring ikaw na ang susunod na biktima nia.. kya mag-ingat sa mga taong katulad nia!


Mukang pera. eto ang mga tipong kaibigan na magaling mang-utang sayo at ikaw naman ay tunay na kaibigan kaya pinapa-utang mo pero pag dating sa singilan mukang walang nang balak magbayad sayo na parang nagka-amnesia at nakalimutan na ata na may utang sya.. meron ka bang frend na ganito?? kung meron, malamang nangyari na sayo ang pagkakataon na ikaw naman ang nangailangan ng pera ngunit hindi ka pina-utang dahil wala daw siya pera pero nakapag-lakwatsya siya.. un ba ang walang pera?? 

example:

guguLangan kita..

goLdDigger: besfwend! my tinitinda aq na bracelet sure aq mgugustuhan mo kasi favorite color mo at magugustuhan mo ung design.

richkid: cge, patingin (goLdDigger shows da bracelet) ui! wow! ang ganda naman! how much??

goLdDigger: (P80 lng toh, mayaman naman toh kya sasabihin qng 300) P300 siya besfwend, kasi galing pang hong-kong yan..

richkid: (nak ng! mukang pineperahan aq nito ah!) ang mahal naman besfwend! ano ba yan ginto?!?!

nangyari na ba yan saiyo?? bentahan ka  ng uber mahal ang presyo at kaduda-duda?? ITAGO MO NG MAIGI PERA MO!!! baka sa susunod pati tsikLet magpresyong ginto!!



Bossy. laging meron nito sa grupo.. ndi pwedeng wala... eto ung tipong kaibigan na yung gusto lang nia ang nasusunod.. siya nagdede-decide kung san kayo pupunta, sino ang kakaibiganin, sino ang kaaway, at kung ano-ano pa! kung meron kang kilalang ganito, ndi kaba nagsasawa na lagi na lang siya ang nasusunod?? kahit ayaw mo sundin wala ka magawa dahil ung mga kasama mo sunod-sunuran sa kanya at pag kumalas ka magiging lonely ka at ayaw mo mangyari un kaya susunod ka nalang din.


sa bandang huLi malalaman din nia na wala siyang tunay na kaibigan, kahit ung mga kaibigan nia na sumusunod sa gusto nia.. dahil darating ang time magkakasundo silang lahat na sawa na sila sa kakasunod sa kanya at iiwan din siya.. marami nang situation na ganyan na nangyari sa mga artista.. ung mga artistang nalaos na..



Inggitera sa pag-ibig. panigurado meron kang kaibigan na ganito.. ang pinaka nakakainis pa nian ung pinaka close mo pa ang inggitera.. sa sobrang inggit nia sayo sinisiraan nia sayo lahat ng nagkakagusto sayo para pareho kayo walang love life.. 


example

aagawin ko sayo lahat

uberganda: ui! fwend sbe sken ng pinsan qng c "negrangGaLa" na balak daw aq ligawan ni "uberpapaLicious" at kinokonchaba daw siya para sa gagawing panliligaw.. grabe! kiLig to da bones na aketch! pero quiet ka lng ah! kasi secret daw un eh, dahil sobrang madaldal at sobrang happy pra saken c "negrangGaLa" kaya nia nasabe.

inggeterangPalaka: sure kba jan?? mejo matanda na un pra sayo..

uberganda: d naman maxado.. 


aagawin ko sayo lahat part II

inggeterangPalaka: ui "uberpapaLicious" sbe ni "uberganda" na balak mo daw xa ligawan ah..
totoo ba un??

uberpapaLicious: ha??!! nde ah.. maxado pa siya bata pra sken..

(inggeterangPalaka finifLirtacious si uberpapalicious)


aagawin ko sayo lahat part III

inggeterangPalaka: ui frend wala naman pala balak si "uberpapaLicious" na ligawan ka..

uberganda: pano mo naman nasabe un??

inggeterangPalaka: tinanong ko siya. sbe nia maxado kpa daw bata pra sa kanya.

uberganda: ha??!! anong part ba ng "secret" ang di mo naintindihan?? nakakahiya! 


nakakainis talaga ang maka-encounter nang ganyan klaseng kaibigan.. grabe! sinisira love life mo.. sisiraan nia sayo ung guy tapos makikita mo siya pala may interest! grabe!



kung meron ka man isang kaibigan na katulad nila o lahat ng yan meron ka, wag mong isipin na malas ka.. dahil sa kanila natuto/matututo ka sa pagpili ng tunay na kaibigan.. magiging parte sila ng buhay mo para malaman mo ang mga tunay na leksyon ng buhay..



"don't do the things you don't want to do,
 don't be the person you don't want to be"